Deb Domingo at Miguel Maghinang
Paombong, Bulacan- Tradisyon na ang pagpepenitensya sa bansa tuwing Semana Santa. Ang pagpapako sa krus ay hindi lamang panata ng mga kalalakihan sa araw ng Biyernes Santo dahil isa si Precy Valencia sa mangilan-ngilan na babae na may ganitong paniniwala.
Taon-taon ay dinarayo ng mga deboto ang Barangay Kapitangan sa Paombong, Bulacan dahil sa talamak ang nagpepenitensya rito. Kabilang na rito ang pagpapako sa krus, pagpapadugo ng likod at pagbubuhat ng krus.
Alas siete pa lamang ng umaga ng Biyernes Santo ay dagsa na ang mga tao upang masaksihan ang mga kalalakihan na nagpapadugo ng likuran habang pinapalo at ang pagluhod at pananalangin sa labing-apat na istasyon ng krus.
Dumarayo rin ang mga tao sa barangay upang masaksihan ang ilang mga deboto na nagpapako sa krus.
Si Precy Valencia ay nagsimulang mamanata at magpapako sa krus dahil sa kagustuhan niyang maging madre at dahil sa naniniwala siyang ipinagkaloob ito sa kanya ng Sto. Nino de Cebu.
Nagsimula
ang lahat noong siya ay labing anim na taong gulang palamang. Bagama’t hindi
natuloy sa pagiging madre dahil sa hirap ng buhay noong mga panahong iyon,
hindi naman siya pinabayaan ng Panginoon dahil binigyan siya ng panaginip ukol
sa kaniyang panata.
Ngayon ay
ika 26 na pagkakataon na niyang magpapapako.
Kapag
hindi panahon ng penitensya ay nakababad sa langis ang mga pakong ginamit sa
kanya.Ginagamit rin niya ang langis na pinagbababaran ng tatlong pako sa
kanyang pagga-gamot o panghihilot. Ayon kay Precy hindi niya alam kung paano
ang nangyayari sa tuwing siya ay nanghihilot dahil nagta-trance raw siya
matapos manalangin kay Sto. Nino
Dapat ay magtatapos na siya Cebu nung nakaraang taon para saktong 25 years ang kanyang panata, ngunit ilang oras bago siya ipako ay pinagbawalan siya ng mga namamahala roon sa kadahilanan na siya raw ay babae kung kaya’t ngayong taon sa edad na 51 ipinagpatuloy pa rin niya ito sa Kapitangan.
"Kinwestyon nila kung bakit may babae ang magpapapako,pero wala namang nagsabi na bawal magpapako ang babae" ani Valencia
Si Precy ay nagmamay-ari ng maliit na tindahan sa tabi ng kaniyang tahanan at paminsan-minsan rin ay nananahi ng mga damit. Ang kaniyang asawa naman ay isang construction worker. Matagal ng pinapahinto ng kaniyang asawa at mga anak si Precy dahil nga ito ay mahirap at delikado, ngunit natanggap rin nila ito at sinuportahan.
Maraming mamamahayag lokal man o international ang nagpupunta ilang araw bago magpapako si Aling Precy at paminsan ay nanunuluyan pa sa kanilang tahanana hanggan sa araw ng kaniyang pagpapako upang mabantayan kung mayroon ba siyang ginagawang pandadaya o ritwal sa sarili.
Biyernes Santo, pagsapit ng ika-11 ng tanghali pasan ni Aling Precy ang isang malaking krus at siya ay hinila at pinagpapalo ng mga ‘hudyo’ papasok sa isang bahay kung saan dadalhin rin ang iba pang ipapako sa krus. Lumuhod siya sa may altar at nagdasal habang naghihintay sa oras ng kanyang pagpako.
“Wala akong nararamdaman kapag ako ay ipinapako, walang sakit, basta nanalangin lang ako.”
Ito ang pamamaraan ni Aling Precy upang mapatawad ang kaniyang mga kasalanan at para na rin sa pagkakaroon ng himala upang siya ay makapaghilot at magpagaling ng my mga sakit o pasasalamat.
Sa oras na tanggalin ang mga pako mula sa pagkakabaon sa kaniyang mga palad at sa magkapatong niyang mga paa, binalutan ng putting tela ang kaniyang mga sugat at inihiga sa medical stretcher para makasigurado na hindi siya mapahamak sa ano mang komplikasyon sa sugat na natamo.

Kabilang
pa sa mga ipinako sa krus ay si Rogelio
“Roger” Marcos na kabilang naman sa LGBTQ+ at isang pares ng kambal na nagmula pa sa Cebu.
Ang huli sa mga pinako ay si Rogelio”Roger” Marcos, nasubaybayan at nasundan natin siya noong alay lakad at nalaman na ito na ang kaniyang ika-11 niyang pagpapapako.
Nagkaroon
ng pagkakataon ang The Times upang makamusta si Roger matapos ang kaniyang
panata. Dumudugo pa ang kaniyang mga palad at paa noong kausapin niya kami
ngunit ilang sandal lang ay bumalik na agad ang kulay niya.
Ibinahagi
niya sa amin na huling pagkakataon na ito dahil pinunit na ang kaniyang pulang
sutana at ang krus at pakong ginamit niya sa 11 taong panata ay inalay na niya
sa simbahan ng Kapitangan.
Comments
Post a Comment