by: Enrico Miguel Maghinang
photo from Rappler.com (2016) |
Para sa mga magdiriwang ng Semana Santa, mahalagang malaman ang pinagmulan ng pagdiriwang na ito upang maunawaan ang kahulugan nito, pati ang mga nasa likod sa pagpi-penitensya ng mga mananampalataya.
Sa mga susunod na pahayag ay tutulungan namin kayong magbalik tanaw sa likod Semana Santa.
Ano nga ba ang kahulugan ng pagdaraos ng Semana Santa?Ang Semana Santa ay ang huling linggo bago ang Pasko ng Pagkabuhay ni Hesus (Easter). Ito ang panahon kung saan ang mga Kristyano sa buong mundo ay ginugunita ang pagpapakasakit at pagkamatay ni Hesus sa krus.
Ang kilala sa atin bilang Semana Santa ay kilala sa panahon ni Hesus at sa kanyang mga alagad bilang ‘Passover’, ang pagdiriwang kung saan iniligtas ng Panginoon ang mga Israelita mula sa Ehipto. Ngunit ngayon ang linggo ng ‘passover' ay ginugunita na kasabay ng Semana Santa mula sa Linggo ng Palaspas hanggang sa Linggo ng Pagkabuhay kung kailan muling nabuhay si Hesukristo at itinuturing na pinakadakilang pagdiriwang sa taon ng Simbahan.
Mula sa pag-aayuno at penitensya naisasabuhay ng mga mananampalataya ang mga paghihirap ng Panginoon at dahilan upang mapatibay ang kanilang pananampalataya o para sa iba ay muling ibalik ito.
Sa paraan ding ito nararanasan ng mga mananampalataya ang paghihirap ng Panginoon dahilan para maiugnay nila ang bigat na dinanas ng Panginoon para sa kasalanan ng sanlibutan.
Sa panahon ding ito nararanasan ang malawak na saklaw ng emosyon mula sa malalim na kalungkutan patungo sa pasasalamat at kagalakan.
Mahalaga ang pag-gunita sa Semana Santa sapagkat sinasalamin nito and tagumpay ni Hesus sa kasalanan at kamatayan at ang bigay niyang pangako ang Kaharian ng Langit.
Paano nagsimula ang pagdiriwang ng Semana Santa?Ang pangunahing lugar kung saan ipinagdiriwang ang Semana Santa ay sa lungsod ng Jerusalem, kung saan ang pinaka-maagang katibayan sa pagdiriwang na ito ay laman ng isang talaarawan (diary) ng isang taga-Europa na babae na ngalan ay Egeria.
Mula sa mga tala ni Egaria mula noong ika-apat na siglo (4th century) nakasaad na siya ay kabilang sa pilgrimage patungong Jerusalem noong 383.
Nagsisimula ang Semana Santa sa Linggo ng Palaspas hanggang sa hatinggabi ng Sabado. Ang mga impormasyon ukol sa pagdiriwang na ito ay mula sa mga tala nila Mateo, Marcos, Lucas at Juan.
Narito ang ilan pang mga bansang na nagdiriwang din ng Semana Santa:
Colombia
Costa rica
Guatemala
Honduras
El Salvador
Indonesia
Mexico
Nicaragua
Peru
Venezuela
Vietnam
Costa rica
Guatemala
Honduras
El Salvador
Indonesia
Mexico
Nicaragua
Peru
Venezuela
Vietnam
Comments
Post a Comment